BET na bet ko ang mabi­ning pagtanggi ni Liza Soberano kay Charlie Puth.

Kung sa ibang batang babae naglambing ang international singer na manood sa concert niya, malamang na agad-agad YES ang sagot.

At pupunta pa sa ve­nue with matching poster na ang nakasulat, “Charlie, I want your babies!”

Ipinakita ni Soberano na true pa rin siya sa kanyang pagiging dalagang Filipina.

Na hindi bad thing ang mag-say no politely lalo na kung may previous commitment ka.

She knows her priorities. At bilang babae, she knows her worth. Hindi dapat nagmamadali.

Hindi dapat atat na atat. Dapat slowly but surely.

Siyempre, nakakilig namang tunay na may isang good-looking singing idol na tila smitten sa kanya and I’m sure, the pretty young miss does not deny the fact.

Ang gusto ko sa seeming pagtanggi niya, she does not want to be taken for a ride.

Ayaw ni Liza na maging part lang siya of a promo para sa concert tour at album nito.

She is putting her foot down na let us get to know each other first, si­guro privately at hindi pang-IG or Twitter lamang.

Sa inasal na ito ni Soberano, best in good manners and right conduct ang babaeng pinakamaganda sa kasalukuyan.

Dapat tularan of the rest of the young misses lalo na sa mga ibinabato ang panty nila sa mga lalaki, mapansin lang sila.

Sa ginawa ni Liza, it shows na her beauty is skin deep, hindi siya harot at talandi at alam niya as a young woman, what is best for her.

Palakpakan na may kasamang sigawan for you, Ms. Soberano!

In time, may the Universe conspire for you and Puth to meet personally at tingnan natin if it will be a magical and fantastic meeting.

In this day and age, hindi imposible na magka-friendship kayong da­lawa.

At kayong dalawa rin lang ang makakapagsabi how you will make your long distance friendship work.

***

With Puth’s open declaration of his liking for Liza, hindi maiiwasang tanungin si Enrique Gil tungkol dito.

Ang emote ni Gil, hindi raw affected, walang selos-selos at lalong hindi insecure.

Talaga lang, ha? Naku, Enrique, paki-spell ang KIYEME LA­TIK, huh?!

Kung ang dramarama mo ay sanay ka na sa mga foreigners na humahanga sa iyong TV at screen partner, eh sige … pak! Ganern!

For a blossoming miss like Liza, tama na you open your self to all the possibilities mapa-tungkol sa iyong karera at lalo na sa mga personal mong kaligayahan.

Sa sugar and spice admiration sa iyo ni Charlie Puth, go with the flow and just enjoy the kilig and his ­paghanga

Sobrang aliw ang effort mo to downplay the nakakatuwang attention that Charlie Puth is giving you.

Pag si Charlie Puth ang biglang dumating at sinorpresa ka sa concert ninyo ni Enrique, isa lang ang mare-react ko, “Sabel, this must be love!”