Liza wala nang kawala kay Enrique

MALAMIG ang ­klima sa Paris pero hindi ka­yang i-freeze ang nara­ramdamang init ng pagmamahal ni ­Enrique Gil sa dyowa niyang si Liza Sobera­no.

Nagpahayag ng kanyang wagas na pag-ibig si Enrique sa latest photo posting niya sa kanyang Ins­tagram na kuha sa bakasyon nila, kasama ang pamilya ng aktres.

Isang heartwarming at touching photo ang pinoste ni Enrique sa kanyang IG wall kung saan napapagitnaan nila ng kanyang kapatid ang ina nila habang hinahalikan nila ito sa pisngi.

Naka-background sa long shot photo na ito ang Eiffel Tower at iba pang mga tao sa palagid.

Na-capture nang maganda ang mood ng paglalambing nina Enrique sa kanyang ina dahilan para matuwa nang husto ang aktor sa kumukuha ng lara­wan na si Liza.

“Family (heart emoticon) thank you for this shot…” sabi ni Enrique.

Sa sobrang kasiyahan at dala na rin ng malaking pagmamahal ni Enrique kay ­Liza, hindi lang ito nagpahayag ng kanyang pag-ibig kundi maging lawak ng kanyang nara­ramdaman para sa dalaga.

“I love you more than anything,” sabi pa ni Enrique na parang nag-propose na kay Liza, ha!

Hindi first time ni Enrique na magsabi ng I love you kay Liza sa social media, pero first time niyang sabihin na matindi talaga ang pagmamahal niya kay Liza.

Anyway, walang dudang mahal na ­mahal ni Enrique si Liza dahil sa pana­yam namin sa kanya last year, itinuturing na niyang asawa ang ka-love team at hindi na niya gugustuhing mawala pa ito sa kanya.