IPAPALABAS ng OpenAir Cinema One ang mga pelikulang My Ex and Whys at La La Land ngayong Sabado sa The Fields, Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.

Ang outdoor screening ay magsisimula ng 3:00 PM kasama si John Lapus bilang host.

May special performance si Sue Ramirez, at haharanahin ang mga manonood ng Pinoy bands na UDD (Up Dharma Down) at Maude.

Ito ang pangatlong taon ng OpenAir ­Cinema One sa Nuvali.

Kabahagi ang Nuvali Night Sky Cinema at ang Tag TV sa outdoor screening event na ito.