MATAPOS kiligin ang sambayanang Pilipino sa teleseryeng Dolce Amore, mga taga-Kazakhstan naman ang kinikilig dahil ipinapalabas ngayon ang LizQuen serye doon via Channel 31.

Pang-international talaga ang appeal nina Liza Soberano at Enrique Gil!

Tinangkilik din sa nasabing bansa ang teleserye nilang Forevermore.

Bukod sa Kazakhstan, naibenta na rin ang Dolce Amore sa Vietnam, Cambodia, Malaysia at Africa.

Ikinakasa na rin ang pagpapalabas nito sa mga naturang lugar nang naka-dub o naka-subtitle.

***

Kilig pa more ang hatid nina Liza Sobera­no at Enrique Gil bukas sa ASAP para sa ALBUM launch ng Dolce Amore.

Pagpupugayan din ang musika ni Rico Blanco sa “ASAPinoy” sa pangunguna ni Martin Nievera kasama ang ibang OPM icons na sina Noel Cabangaon, Top Suzara, Raimund Marasigan, Yael Yuzon at Wency Cornejo.

Andiyan din sina Angeline Quinto, Janella Salvador, Iñigo Pascual, Yohan Hwang, Tutti Caringal, Paolo Valenciano at KZ Tan­dingan.

Love is in the air naman sa pagsasama nina James Reid at Nadine Lustre ng primetime teleserye na Till I Met You.