LizQuen pinalitan ng JaDine, umalma ang mga fan

LizQuen pinalitan ng JaDine, umalma ang mga fan

Lahat ng shows ng ABS-CBN ay tigil na muna sa production pati na ang mga teleserye. Kaya naman lungkot na lungkot ng mga fans nina Liza Soberano dahil wala silang bagong mapapanood na episodes ng Make It With You.

Ang request nila, isang buwan na lang daw ulitin ang mga episodes ng serye especially ‘yung mga eksena sa Croatia.

May nagre-request din na ire-run na lang daw ang “Forevermore” na matatandaang unang teleserye ng LizQuen at kung saan nagsimula ang kanilang loveteam.

Pero naiintindihan naman ng mga fan ang desisyon ng ABS-CBN dahil para rin naman ito sa kaligtasan ng kanilang idolo pati na ang mga staff.

“Let’s pray para sa kaligtasan ng lahat. Kahit na mababaliw ako sa kakaisip kung kailan ko muli mapanonood ang karugtong ng episode kagabi. Bwesit na COVID-19 yan!” tweet ng isang netizen.

Pahayag naman ng isa pang fan, “yeah, safety first but hope it will still be a LizQuen show that will be aired on that primetime slot. #MakeItWithYou rerun, #Forevermore or #DolceAmore. Pretty please!!! Keep safe, everyone & make it a habit to wash your hands w/ soap & water.”

But as we beat this deadline, naglabas na ng official announcement ang ABS-CBN ng mga ipalalabas na shows starting Monday, March 16.

kris 1 buwan kay Willie

Pinasundo ng chopper ni Willie REvillame si Kris Aquino at dalawang anak na sina Bimby at Joshua sa Boracay kung saan sila nagbabakasyon para dalhin sa beach resort nito kung saan sila mananatli muna.

Nag-post si Kris ng short video habang nakasakay sila sa chopper hangang sa dumating sila sa beach resort ni Willie na hindi na niya sinabi kung saan.
Pinahiram din ni Willie ang kanyang yate at sey nga ni Kris, masyado silang spoiled.

“I’ll try to make this short, TRY— for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma.

“A kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami,” ang caption ni Kris.
Ipinaliwanag din ni Kris kung bakit hindi sila diretsong umuwi sa bahay nila from Bora.

“Bakit di po kami dumirechong umuwi? wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week.

“If you want a tour of willie’s new beach property (para gumaan ang stress) kayo na mag request here, i’ll show him— na SHY na ko.

“I included shots of how beautiful our country 🇵🇭 is, para maalala nating mag TULUNGAN sa gitna ng pagsubok, magsuportahan, magpakatatag, sumunod sa mga pagpapahalaga sa KALUSUGAN ng LAHAT, magdasal para sa isa’t isa, at magmahalan,” pahayag pa ni Kris.

Hindi na sinabi ng media influencer kung hanggang kelan sila mananatili sa beach resort ni Willie pero kung hanggang sa matapos ang community quarantine, it means isang buwan sila roon.