LizQuen, tunay ang album para sa ekonomiya

HUWAT? Talaga? Really now?

May album in the market sina Liza Soberano at Enrique Gil? At hindi ito joke, huh?!

Kailan pa sila naging singers?

Well, hindi ako magdududang may chance na maging gold at many times platinum ang album na ito na dahil in the eyes and ears of the LizQuen fans, Soberano and Gil can do no wrong.

At strike while the Dolce Amore iron is still hot ang dramarama behind kaya parang kabuteng sumulpot ang album na ito.

Although may nagsasabing Dolce Amore has lost its steam and promise at hindi na ito kasinlakas as before, at least, hindi siya like Born For You na kitang-kita na isang malaking kiyeme latik ang tambalang Elmo Magalona at Janella Salvador.

Mukhang hindi magwo-work ang pixie dusts ng Star Magic kingdom kay Magalona.

Ano ito, parang Ate Maxene niya lang?

Na kahit kontrabida ito sa Doble Kara along side Polo Ravales na mukhang full moon ang fezlak eh marami ang naniniwala na pwedeng tumakbo ang extended soap without her?

Hindi ito masyadong kawalan.

Indeed, kaya umapir ang album na ito sa merkado ay dahil sa it’s all about the money, money, money.

Maraming non-singers ngayon ang may album, kasi nga, gazillion ang kanilang fans na may purchasing powers.

Kaya sige, Liza at Enrique, kayo na ang next musical recording royals. Sige na… singers kayo, sabi ninyo.

Kaya sing pa more for us at sana, live, ha?