IPINAKITA agad ng Kapamilya fans ang kanilang mainit na suporta para sa kanilang paboritong Kapamilya stars sa pagsisimula ng botohan sa PUSH Awards 2017.

Sunud-sunod ang posts ng iba’t ibang fan clubs para ikampanya ang kanilang Kapamilya idols, kaya nag-trend kaagad ang kanilang hashtags sa Twitter matapos ilantad ang nominees noong weekend.

Nangunguna sa mga nominado si Anne Curtis, Liza Soberano, Enrique Gil, James Reid at Nadine Lustre, na tig-aapat ng nominasyon.

Pasok si Anne sa Push Female Celebrity, Celebrity Traveler of the Year #TravelGoals, Celebrity Fitspiration of the Year #FitnessFoals, at Celebrity Fashionista of the Year #OOTDGOals categories.

Magkatapat sina Liza at Nadine sa parehong Push Female Celebrity­ at Push Female TV Performance of the Year categories, habang magkalaban sina Enrique at James sa Push Male Celebrity at Push Male TV Performance of the Year categories.

Parehong kinilala sina Liza at Enrique sa Female at Male Movie Performance of the Year categories, habang magkatunggali ang real-life couple na sina Nadine at James bilang Celebrity Traveler of the Year #TravelGoals.

Mainit ang labanan ng LizQuen at JaDine sa Push Group/Tandem category, kung saan pasok din bilang nominees ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), McLisse (McCoy De Leon at Elisse Joson, at MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber).

Sumunod sa listahan ng mga nominado sina Daniel, Kathryn, Elisse, Karla Estrada, at Vice Ganda na may tigtatlong nominasyon.

Para makita ang kumpletong listahan ng nominees, pumunta sa PushAwards.com at mag-register gamit ang Facebook account para makaboto.

Isang boto lang ang maaaring ipadala kada category kada hanggang sa pagtatapos ng botohan sa Setyembre 24.