LJ Reyes
LJ Reyes

MAY bagong business ang magdyowang Paolo Contis at LJ Reyes na mobile app na ilo-launch soon.

Sana, makatulong ito sa pagpapatatag ng kanilang relasyon at sana, hindi masira ng business at pera ang kanilang pagsasama.

***

Sa mga nakakapanood kay Alex Gonzaga sa kanyang pag-arte sa drama, comedy at mga serye, sinasabing malaki ang pagkakahawig ng kanyang asta kay Aruray.

At nang lumaon, si Alex na raw ang Millennial Cynthia Patag.

***

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Hot topic online ang upcoming primetime series ni Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood dahil sa paglabas ng isang FAN-MADE poster na kahalintulad ng poster ng American series na Arrow.

Binatikos agad ng netizens ang GMA Network dahil sa pag-aakalang kinopya nito ang action series.

Paglilinaw ni Ms. Redgie Acuña-Magno, Vice President for Drama ng GMA Entertainment TV, “Ang Alyas Robin Hood ay malayo sa plot ng Arrow.­ Ito ay kuwento ng isang lower-middle class lawyer na mapagbibintangan ng isang krimeng hindi niya ginawa.

“Sa kanyang paghahanap sa katotohanan, may mga matutulungan din siyang nangangaila­ngan.”

Dagdag ni Ms. Magno,­ maraming bersyon na ng kuwento ni Robin Hood ang naipalabas.

“Robin Hood has had different reincarnations or versions in different countries. In Russia,­ there’s the short novel on Alexander Pushkin whose Robin Hood cha­racter went by the name Black Eagle.

“In Brazil, there’s the real life Limpaio, a true-life Robin Hood whose life is now a biography.

“In Japan, a Kabuki­ adaptation of Robin Hood was successfully mounted­ with the cha­racter of Nezumikozo as the name of the legen­dary hero…

“What we are now seeing here is a modern version of Robin Hood, an adaptation of a universal figure made inspirational and relevant to the Filipino audience.”

***

Naku, Tio Paeng!

Payanig ang Maskara King bukas (Sabado) nang 11:00 PM sa Jee Spot, West Point St., Cubao, QC (malapit sa Chow King-Aurora Blvd.. LRT 2-Gateway).

Magpapakitang-gilas sa T-back ang bikini hunks! Pabonggahan ng Felix Bakat!

Sulit ang tiket na P300 (inclusive of 1 drink) dahil mahigit 30 lalaki ang rarampa rito.

Join forces sa casting nito sina Shobi Dionela at Maecy Codamon.

Highly recommended ito ni Puri Titiwang!

Para sa sponsorship, makipag-alam sa cell# 0935-145-3859, 0999-311-4674.

***

Tuloy pa rin ang pag-torture ni Ysabel­ (Yasmien Kurdi) kay Scarlet (Katrina Halili) sa panghapong drama series ng GMA 7 na Sa Piling ni Nanay.

Sa isang resto na nandoon sina Scarlet at Jonas (Mark Herras) to talk with prospective lot buyers, may duma­ting na cake at kinanta­han si Scarlet.

Inis si Scarlet, hindi kasi niya birthday.

Nakita nina Scarlet and Jonas ang nakasulat sa cake, “Happy Birthday Ysabel.”

Sa kapraningan ni Scarlet, ihinagis niya ang cake sa glass window!

Weird si Scarlet sa paningin ng mga tao.

Pahiya ang hitad!

***

Isa sa mga excited sa bagong album ni Jennylyn Mercado ay ang kanyang rumoured boyfriend na si Dennis Trillo.

“Maganda siya­ and excited na rin ako marinig siya ng mara­ming tao dahil siguro ito ‘yung sa lahat nu’ng mga nagawang album ni Jen, ito ‘yung pinakapaborito ko dahil dito naging free siya mag-experiment ng iba’t ibang klaseng tunog,” sabi ng bidang lalaki sa Juan Happy Love Story.

***

Magsisimula ang #LIKE Tagisan ng Internet Sensations bukas (Sabado, September 3), pagkatapos ng Eat Bu­laga sa GMA 7.

Iho-host ito ni Tom Rodriguez kasama si ­Balang.

Magtatagisan dito ang mga online sensation, indibidwal man o grupo, para malaman kung sino ang pinaka-hashtag like sa kanila ang talento.

Ang hurado eh ang Taumbayan Likers na bubuuin ng 100 mi­yembro mula sa barangay kung saan gaganapin ang showdown.