Ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) at Oceana, world’s largest international marine advocacy organization ay pumasok sa I sang kasunduan para pigilan, labanan ang illegal fishing sa municipal waters sa buong bansa.

Nasa linya ng online repor­ting ay hinimok ng Karagatan Patrol ang citizens na iulat ang illegal fishing activities sa Karagatan Patrol Facebook group.

Ang commercial fishing ay ipinagbabawal sa municipal waters sa ilalim ng Fisheries Code.

Inilabas ng Department on Interior and Local Government noong Abril, 2018 ang implementing guidelines sa lahat ng coastal cities at municipalities, para pangasiwaan at i-monitor ang aktibidad ng mga mangi­ngisda sa kanilang mga nasasakupan.

Base sa analyzed data mula sa satellite sensor na Visible Infrared Imaging Radiometer Suite (VIIRS), at suportado ang implementasyon ng ban sa commercial fishing sa municipal waters ay naglabas ang Oceana ng listahan ng top 10 hotspots sa buong bansa sa illegal fishing activities noong 2018.

Kabilang sa mga ito ay ang Zamboanga City, Tongkil, Sulu, Hadji Muhammad Ajul, Basilan, Sta. Cruz, Marinduque, Cuyo, Palawan, Linapacan, Palawan, Languyan, Tawi tawi, San Francisco, Quezon, Araceli, Palawan at Magsaysay, Palawan.

“We welcome this highly significant collaboration with the LMP to bring back fisheries abundance in our waters. It is timely as our oceans are buffetted by simultaneous pressures from humanity, aggravating and aggravated by the destructive impacts of the climate crisis we all face. We need to work together closely, now, more than ever, and manage sustai­nably our fisheries, to protect our oceans and feed our people,” ani Gloria Estenzo Ramos, Vice president of Oceana in the Philippines.