Pinatunayan ni former Mapua Institute of Technology (MIT) standout Arjoe Loanzon ang kanyang posisyon bilang isa sa Philippines’ top executive chess players matapos magkampeon sa 2nd leg ng Philippine Executive Chess Association (PECA) Alphaland National Executive Chess Circuit na ginanap sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place kamakalawa.

Tinaob ni Loanzon si former solo leader Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Machine department Engineer Ravel Canlas sa final round tungo sa six points sa seven outings.

Kapareho ng puntos ni Loanzon sina Reynaldo ABA-A at Engr. Canlas na may tig 6.0 points subalit nakopo ng una ang titulo dahil sa superior tiebreak points.

Si ABA-A na nagwagi kay Nelman Lagutin ang nag-second place habang tersero si Canlas sa event na binasbasan ng National Chess Fede­ration of the Philippines (NCFP). (Elech Dawa)