Mang-aagaw ng eksena ang Filipino Elite, CEO, age-group at relay divisions competitors sa Cobra Energy Drink Ironman 70.3 Asia Pacific Championship presented by Ford sa Linggo sa Cebu.
Tampok sa event ang world-class pros sa pangunguna nina Tim Reed at Caroline Steffen na dedepensa sa kani-kanilang titulo.
May 27 Filipino elite aces, 15 CEO tri racers at halos 3,000 age-group campaigners at mixed, all-male at all-female participants sa As-Pac tilt na ngayon lang gaganapin sa Asia, sa labas ng Australia at New Zealand.
Apatnapung bansa ang may kinatawan sa 1.9K swim, 90K bike, 21K run race na inorganisa ng Sunrise Events, Inc.
Taya sa event ang $75,000 at 50 slots sa Ironman 70.3 World Championship sa Chattanooga, Tennessee sa susunod na taon.
Lalangoy ang competitors sa beachfront ng Shangri-La Mactan Resort and Spa, papadyak ang bike sa mga lungsod ng Talisay, Mandaue, Cebu at Lapu-Lapu, at aarangkada ang takbuhan sa flat road ng Lapu-Lapu na magtatapos din sa Shangri-La.
Nagsimula ang aktibidad kahapon sa opening ng swim course, athletes registration, expo at bike service.
Sabado ay papagitna ang mga batang triathletes edad 6-14 sa Alaska IronKids Triathlon II. Mapapanood ang Ironman 70.3 As-Pac via live streaming sa go.globe.com.ph.