Locals umeksena sa Tornadoes win

Bumangon mula sa malamyang first set ang Foton Pilipinas para saga­saan ang Kasetsart University 17-25, 25-12, 25-23, 25-16 sa classification phase ng Select Tuna Thailand Volleyball League sa Wi Sommai gym sa Sisaket Province nitong Sabado.

Ipinahinga ni coach Fabio Menta­ sina imports Ariel Usher at Lindsay Stalzer gayundin si starting setter Rhea Dimaculangan, umeksena ang local crew nina Aby Marano, Maika Ortiz at EJ Laure para sa Tornadoes.

Ginagamit ng Foton ang Thailand joust na warm up sa AVC Asian Women’s Club Championship na sisiklab sa susunod na linggo sa Alonte Sports Center sa Biñan.

Natuwa si Menta sa pinakita ng locals.

“Our Filipino (players) need to take responsibilities and overcome problems by themselves,” anang Italian coach na nagmando rin sa Cook Islands national women’s team noong isang taon. “Today, they showed that they are mentally­ and physically ready to fight for their cause.”

Inasahan na ni Menta na magiging mabagal ang umpisa ng kanyang squad na gumising ng 5:30 a.m. para paghandaan ang laro ng 8:00 a.m.

Tatapusin ng Tornadoes ang kampanya­ sa battle for 5th-6th ngayong umaga laban sa winner sa match ng Rungsit University at Nakhon Nonthaburi.