Pinag-iisipan na ng Rain or Shine kung magpapalit ng import tapos ng pang-apat na sunod na talo sa PBA Governors Cup.
Nasilat ang Elasto-Painters sa dating winless Alaska 78-71 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Pareho ng kartadang 1-5 ang Painter at Aces, pero dahil sa winner-over-the-other rule ay nalaglag sa 12th ang RoS.
“We review the game tape, decide if we need somebody else,” lahad ni coach Caloy Garcia.
‘Di nawawalan ng pag-asa si Garcia, kailangan lang nilang walisin ang susunod na limang laro para humabol sa top eight na aabante sa quarterfinals.
Para magawa ‘yun, isang posibleng solusyon ay kumuha ng import na magdadala sa team at makakagamay sa locals.
Mukhang ‘di kayang gawin ‘yun ni Kayel Locke sa kasalukuyan.
Kontra Aces, game-best ang 25 points ni Locke na sinahugan ng 10 rebounds, ‘di masamang numero.
Problema ay ‘di niya masabayan ang laro ng locals. Pinuna ni Garcia na may stretches na mas nakasabay pa ang kanyang locals habang nasa bench ang import.
“I asked the import, ‘Do you know what you’re doing?’ And he was confused,” dagdag ng coach. “Lack of communications. Both sides, locals and import.”
Giniit ni Garcia na kailangan nilang magdesisyon bago ang susunod na laro sa Oct. 23 kontra Blackwater.
“If we’re going to make a change, it should be now,” wakas na deklarasyon ng tactician. (VE)