Locsin naguluhan: James Reid ambassador ng DA

Hindi ma-gets ni Foreign Affairs Teddy Boy Locsin kung papaanong naging ambassador ang aktor na si James Reid ng Department of Agriculture.

Maiksi pero malaman ang naging tweet ng kalihim nang malaman nito na kinuha ng DA si Reid bilang Ambassador for Food Security.

Binalita ni Reid ang nasabing pagtapik sa kanya sa DA sa isang Instagram post.

“LETS GROOOW! Thank you to the Department of Agriculture and Secretary [William] Dar for trusting me with the role of Ambassador of Food Security. Thanks for the gift. Can’t wait to show everyone what we’ve been working on during quarantine! #plantplantplant,” ayon sa post ni Reid. (RP)