Pinalagan ni Foreign Affairs Secretary Teo-doro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr. ang ginawang pagputol sa talumpati ni Pangulong R­odrigo Duterte sa 25th Nikkei Conference of the Future of Asia sa Tokyo, Japan noong Biyernes, Mayo 31.

“Heads of states have no time limit. That was a rudeness on the part of Nikkei,” bahagi ng tweet ni Locsin kahapon.

Tinutukoy ni Locsin ang ginawang paglapit ng isang Japanese kay Pangulong Duterte at inabot ang note na putulin na umano ang talumpati nito.

“Bastos. Maybe he was paid to be rude,”diin pa ng kalihim.

Ang note ay binasa pa ni Pangulong Duterte kaya’t napilitan itong magpaalam sa audience.

“If you are doing business, why should you go there? And…Please conclude speech,” wika ng Pangulo matapos matanggap ang note.

Sinabi na lamang ng Pangulo na hinihintay na umano siya ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe kaya’t kailangan niyang putulin ang speech.