LOGICAL CHOICE

boyet-fernandez

Matapos ang dalawang taon, babalik si Bo­yet Fernandez para mag-coach sa San Beda sa 93rd NCAA men’s basketball tournament sa susunod na taon.

Hinawakan ni Fernandez ang Red Lions noong 2013, iniwanan niya ito ng back-to-back titles bago lumipat ng PBA para mag-coach sa NLEX.

Na re-appoint si Fernandez matapos tumawid sa National U para timunan ang Bulldogs sa bakuran ng UAAP si Jamike Jarin.

Dalawang seasons hinawakan ni Jarin ang SBC at naibalik niya sa Mendiola ang kampeonato nitong natapos na 92nd season.

“We want him (Fernandez) from the start,” ani San Beda board representative Jose Mari Lacson.

Si San Beda team manager Jude Roque ang nagkumpirma sa balita.

“After consulting with the school president, MVP confirmed last night the appointment of Boyet Fernandez as new Red Lions head coach. I got the call from MVP late last night,” wika ni Roque.

Si Fernandez din ang gagabay sa Cignal-San Beda squad na sumali sa PBA D-League umpisa sa kaagahan ng 2017.

“It’s also a logical choice especially with the newly formed Cignal-San Beda D-League team, which Boyet will also handle,” sabi ni Roque.

Bilang coach, nagwagi si Fernandez sa PBA (Sta. Lucia, 2007-08), D-League (six times) at dalawa sa NCAA.