Ni: Vinia Vivar

As we all know ay ang JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto) ang nagbida sa “Vince and Kath and James” na ngayon ay hiwalay na. Ito rin ang launching flick ng dalawa bilang magka-love team at dito rin unang nakita ang kanilang chemistry kaya naman nag-hit ang naturang pelikula.

Since si direk Theodore rin ang direktor ng unang installment, natanong ang direktor kung natatakot ba siya na mangyari rin ang break-up kina Loisa Andalio and Ronnie Alonte na bida sa sequel na “James and Pat and Dave”.

Sagot agad ni Ronnie, “hindi mangyayari ‘yun.” Ayon naman kay direk Theodore, sobrang na-proud siya sa JoshLia na after “VKJ” ay nag-hit na ang JoshLia love team at nagkaroon ng maraming project.

“But that was also my last project with them. So, I don’t know what happened to their relationship, how it ended. Siyempre, I’m sad kasi when they worked naman sa ‘VKJ’, hindi pa sila boyfriend-girlfriend. Friends lang din sila. So, kahit ako, na-surprise rin ako nang malaman ko na sa next project nila, sila na.

“I was happy for them and then, ‘yun na nga, syempre, malungkot din nu’ng nagkahiwalay sila. So, sana, hindi mangyari kay LoiNie,” sey ni direk. Sabat agad ni Loisa, “parang malabo, kasi ako, kapit ako talaga, eh. Talagang hindi ka makakawala.”

Paniniguro ulit ni Ronnie, “hindi, hindi talaga mangyayari ‘yun.”
Of course, tuwang-tuwa naman ang LoiNie fans sa sinabi ng dalawa.

***

Ronnie-Loisa nagpakatotoo sa relasyon

Finally, matapos i-launch ang kanilang LoiNie love team in 2018, may sarili na silang pelikula. Bibida sila sa Valentine offering ng ABS-CBN Films and Star Cinema na “James and Pat and Dave” na sequel ng “Vince and Kath and James” na ipinalabas noong 2016.

Si Ronnie ang “James” sa naturang dalawang pelikula. Kung sa part 1 ay third wheel siya nina Julia Barretto and Joshua Garcia, this time sa sequel ay siya na ang bida with Loisa at si Donny Pangilinan naman ang gaganap na ka-love triangle bilang Dave.

Masayang-masaya ang reel and real-life couple sa malaking oportunidad na ito sa kanilang career. “Siyempre, ang tagal po naming hinintay ‘to,” sey ni Ronnie sa media conference ng naturang pelikula.

“Sobrang nai-excite kami. Kumbaga, 2020, panibagong pinto, panibagong buhay. “So, nu’ng binigay sa amin ‘to, talagang hindi kami nagdalawang-isip na ‘beh, galingan natin ‘to, pakita natin sa kanila na karapat-dapat tayo.’” Sinegundahan naman ito ni Loisa.

“Totoo po. Sobrang saya po namin ni Ronnie kasi nabigyan kami ng ganito
kalaking opportunity, kasi nagsimula kami ni Ronnie, naging kami agad, eh,” ani Loisa.

Mas nauna raw na magkaroon sila ng relasyon kaysa sa maging magka-love team at may kanya-kanya pa silang ka-tandem noon.

“Tapos hanggang sa may mga fan na sumusuporta sa aming dalawa. Pero
ngayon, nandito na kami, meron kaming pelikulang ipapalabas kaya sobrang
sarap po sa puso na napansin po kami and parang ang tagal po namin ‘tong
hinintay.

“Ang tagal ko po ‘tong hinintay, pangarap ko po ‘to nu’ng bata ako, ‘yung mapanood ko ‘yung sarili ko sa malaking sinehan at sobrang excited po ako.

Sigurado ako, ganu’n din po ‘yung pamilya ko para sa akin at para sa amin po,” pahayag pa ni Loisa.

Ayon naman sa direktor na si Theodore Boborol na siya ring nag-direk ng “Vince and Kath and James”, bihira raw sa magka-love team ‘yung may relasyon na agad at the start of the tandem kaya ito raw ang maganda sa dalawa.

“Usually, ‘di ba, dati pa nga, hindi pinapaamin kahit sila na kasi nawawala ‘yung spark. But I guess, ‘yung advantage nila is that ‘yung authenticity nila. They’re always true to themselves. Hindi sila nagpapanggap na ‘coño ako’ or ‘sosyal ako.’

What you see is what you get,” sey ni direk Theodore.

Isa pang puring-puri ni direk sa dalawa ay wala raw arte ang mga ito and in fact ay pumayag agad sa kissing scene.

“They’re very daring and bold when it comes to trying different roles. Siyempre, nakita n’yo sa trailer, rom-com (romantic-comedy) mode kami, but they did stuff there na usually ‘pag nilo-launch ang isang love team, hindi muna gagawin.

“But remember, nakita n’yo, nag-kiss kaagad, nakita sa trailer. So, in other words,

I can just imagine kung ano pang puwedeng roles na ibigay sa kanila because wala silang limitation. Hindi sila maarte,” papuri ni direk Theodore.

Showing na sa Feb. 12 ang “James and Pat and Dave” at kasama rin dito sina Awra Briguella, Myrtle Sarrosa, Ana Abad Santos, Bobby Andrews, Isay Alvarez, CJ Salonga at marami pang iba.

***

Andalio-Alonte tukaan 50 beses – Donny

At dahil nga may kissing scene ang LoiNie sa movie, natanong ang dalawa kung kumusta naman ang paggawa nila ng naturang eksena.

Biro ni Ronnie, “hindi kami sanay po, eh” sabay-tawa.

Then, sey niya, “nakakatawa, enjoy lang.”

Ayon naman kay Loisa, kahit daw sila na, medyo nahiya pa rin daw sila nang kunan ang kissing scene dahil nga maraming nakatingin.

“Tapos, nakakatawa, kasi kailangang may feelings ‘yung halik,” sey ni Ronnie.

Mahirap din daw pero kailangan daw sa story kaya ibinigay daw nila ang hinihingi ng direktor.

“Opo,” sambit naman ni Loisa, “kasi ‘yung kiss namin du’n, shocked, eh. ‘Pag nagki-kiss kami, hindi naman kami nasa-shock. Wow!” sabay-tawa at pati si Ronnie ay natawa.

Nang matanong kung kinailangan pa ba silang mag-rehearse, anila ay wala na raw rehearse-rehearse.

Biro naman ni Donny, inabot daw ng 50 takes ang halikan.

“Sa totoo, ang hirap po talaga, ang dami! ‘Yun po ang pinakamatagal na eksena namin sa buong pelikula,” sabi ni Ronnie.

Pati ang mga LoiNie fan na nasa presscon ay sigawan din nang sigawan at kilig na kilig.

***

Kaibahan sa ibang love team

Sa dinami-dami ng love team ngayon, ano nga ba ang bagong maio-offer ng
LoiNie compared sa iba?

Sagot ni Ronnie, “sa totoo lang po, totoo kami. Kami po ang mag-love team na totoong magdyowa.”
Bukod daw sa pagiging totoo nila, sobrang open pa raw nila, all-out at walang wall sa mga tao.

“Hindi namin itinatago kung anumang meron sa amin. And ayun, siguro, ‘pag nagtrabaho kami, talagang trabaho,” dagdag pa ni Ronnie.

Kaaliw naman ang sagot ni Loisa na ito raw ang unang pelikula pa lang nila samantalang ang ibang love team ay marami nang movies na nagagawa.

“‘Yun po ang ipinagkaiba namin,” natatawang sabi ng dalaga.

Sey naman ni Ronnie, another thing nga na ikinaiba nila, sila raw ay may relasyon na agad when the love team started. Unlike other couple na nagsimula muna sa hindi magkakilala, then, friendship, then lovers.