Marami ang nakakapansin sa pagiging sweet and protective ni Ronnie kay Loisa. Bagama’t nagkakatampuhan kung minsan, bongga naman kung bumawi sa lambingan.

Samantala, kamakailan lang ay nag-post ang aktres sa kaniyang Instagram habang nakababad siya sa pool suot ang swimsuit.
Nagkomento ang aktor at pinuna ang kasuotan niya.

“Ano yan??” komento ni Ronnie

Nagreply naman ang aktres ng kissing emoji at peace sign.

Pabiro namang nagbanta ang aktor sa kaniya, “@iamandalioloisa pag nakita kita babalutan kita ng sako!”

Senyales lamang ito ng pagiging protective niya kay Loisa. Kinilig naman ang mga LoiNie fans habang ang iba naman ay nagsasabing natural lang naman na mag-swimsuit ang aktres kaysa magsuot ng Pajama.