Ronaline Avecilla

Nanatiling positibo sa buhay ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio.

Ito ay dahil kamakailan ay naisyu siya sa umano’y scandal na kumalat sa social media.

Simula nang pumutok ang isyu ay nanatiling tahimik ang aktres sa mga binabato sa kanya.

Hindi naman kumpirmado at walang kasiguraduhan na siya umano ang babae sa nasabing video.

Samantala, nag-post siya sa kanyang Twitter account. Aniya, “Hindi mawawala ang masayahin, makulit at positibong loisa.”

Dahil dito ay na­ngibabaw ang mga taong sumusuporta sa kanya at nagtitiwala sa kanya. Kabilang rito sina Ria Atayde, Moira dela Torre, Alex Diaz, Fifth Solomon at Jane Oineza.