RONA AVECILLA: Nakakaloka! Hot topic ngayon sa socmed ang aktres na si Loisa Andalio.­ Dahil sa kumakalat diumano niyang scandal video. Sa bawat scroll namin sa newsfeed ay siya ang laman. Nag-trending din ang pangalan niya sa Twitter. Masasabi namin na malaki ang pagkakahawig niya sa babaeng nasa video.

Halo-halo ang naging reaksyon ng mga netizen. Pinagtatalunan kung siya nga ba ang nasa scandal.

RODEL FER­NANDO: Nakita na namin ang video at kamukhang-kamukha nga ni Loisa pero hindi siya ‘yun. Of course, kahit papaano ay maaapektuhan dito ang dalaga dahil iba nga naman kapag video scandal na ang pinag-uusapan.

Siguro, mas maganda na huwag na lang niyang patulan ito dahil hindi lang naman siya ang biktima ng mga ganitong pangyayari. Si Angel Locsin nga ay minsan nang napaba­lita na may video scandal umano pero hindi na lang niya ito pinansin at kusa na lang namatay.

Basta ang masasabi lang namin kung patuloy itong pag-uusapan ay makakatulong pa ito para lalong makilala ang young star. Sa totoo lang kasi, marami pa rin ang hindi siya kilala at hindi pa rin ganu’n katunog ang kanyang pa­ngalan.

ROMMEL PLACENTE: Base sa nakita namin, parang hindi naman siya ‘yun, may pagkakahawig lang. At ang boobs na nakita ko roon, ay halatang hindi rin sa kanya. Hindi naman ganoon kalaki ang kanyang hinaharap, ‘di ba? At malayong gawin niya ang gumawa ng scandal video dahil alam niyang puwedeng kumalat ‘yun at ikasira ng pangalan niya. Gawa-gawa lang ito ng taong walang magawa sa buhay. Dahil may hawig kay Loisa ‘yung girl, kaya pinalalabas na siya ‘yun. Respeto naman sana sa gumawa nito sa young actress, kawawa naman siya. Ano na lang ang sasabihin ng mga makakapanood nito, lalo na ang kanyang mga magulang? At ‘yung iba, baka isipin nga na talagang siya ‘yung nasa video scandal.

Pero siyempre, kapag tinanong si Loisa tungkol dito, siguradong magde-deny siya. Baka nga mapaiyak pa siya sa pagtatanggol sa kanyang sarili. Isang malaking kahihiyan kasi ‘yun on her part, ‘di ba? Kapag nakita ng boyfriend niyang si Ronnie Alonte ano kaya ang naging reaksyon ng binata tungkol dito? At ngayong kalat na ito, baka inaasar na si Ronnie ng kanyang mga kaibigan na nakapanood na rin nito, ‘di ba? At baka mapikon pa siya.

MILDRED BACUD: Well I watched the said snapchat video. Malaki nga ang pagkakahawig ng babae dito kay Loisa­ Andalio kung saan she’s playing with her boobs.­ Maraming reaksyon ang netizens. We made our research as well. Tinignan namin ang Instagram account ng sinasabing nagpapakalat ng naturang video.­ To our surprise kahawig siya ng young actress. Artistahin din. Hindi lang namin magets ang sinasabing siya ang nagpapakalat ng vi­deo ga­yung malaki ang pagkakahawig niya kay Loisa at posibleng siya raw ‘yun.

Alangang ikalat niya ang video niya. Pero may komento ang netizen na siya nga raw ang nagkakalat pero ang tinuturo ay si Loisa.

In my opinion, I don’t think gagawin ito ni Loisa. Maganda ang tinatakbo ng kanyang career and very much happy with her boyfriend Ronnie Alonte. Gagawa ba siya ng bagay na ikasisira ng pinaghirapan niyang career?

Well, mga dear reader­ ano sa palagay niyo?