Umani ng iba’t ibang reaksyon ang naging emote ni Loisa Andalio sa kanyang socmed account.

Marami agad ang nakakuha na may pinagdadaanan ang young actress dahil sa hugot niyang “mapapahahayyyy ka na lang talaga”.

Agad na sinakyan ito ng mga netizen at sinabing may kaugnayan ang kanyang hinaing sa takbo ng kanyang kanyang karera sa kanyang mother network.

Naglabas na kasi ng lineup ng mga pelikula, teleserye, digital movies at series ang ABS-CBN pero walang project ang LoiNie o si Loisa sa isa man sa mga ito.

Obserbasyon pa ng netizen, hindi raw prayoridad o paborito si Loisa ng nasabing network.

May kinalaman din daw ang sentimyento ni Loisa dahil feeling niya nate-take for granted siya. Naunahan pa kasi siya ni Maymay Entrata na magkaroon ng sariling teleserye kasama ang love team partner nitong si Edward Barber.

May mga nag-eengganyo naman kay Loisa na gumawa ng desisyon para sa kanyang sariling caree. Mag-switch siya ng network kung sakaling may mag-o-offer sa kanya at kung saan ang efforts niya ay pahahalagahan. (Archie Liao)