Matapos ang mahabang panahon ng hindi pagpapansinan ay nagkaayos na ang magkaibigan na si Loisa Andalio at Maris Racal.

Nagsimula ang friendship ng dalawa noong housemates pa lamang sila ng Pinoy Big Brother (PBB) taong 2014. Hanggang sa nagkaroon ng distansiya sa isa’t isa nang magsimulang mapalapit si Maris sa Kapamilya young actress na si Sue Ramirez.

Ikinuwento ni Loisa sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) kung paano sila nagkaayos.

Aniya, “Nag-contact kami sa isa’t isa na ‘wag na lang natin palakihin kasi wala naman talaga tayong problema. Hanggang sa naayos na po talaga.”
Nagka-bonding muli ang dalawa sa isang dinner.

Kwento ni Loisa, “Nagkaroon po kami ng dinner. Tapos biglang naging balik sa normal. Yung parang kwentuhan… big- lang naging okay na po.”

Kinalimutan na rin umano nila ang dating nangyari. Dagdag pa ng young actress,“Mas hindi namin pina-awkward yung sitwasyon. Parang walang nangyari… ito tayo, magkaibigan tayo. Ganun pa rin.” (R­onaline Avecilla)