Loisa nakipag-holding hands kay Dingdong

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioDahil sa sobrang pagiging totoo ni Loisa Andalio, ang diva that you love, aliw na aliw na inamorata ni Ronnie Alonte. May bidyo clip kasi, na obvious naman ay kuha sa promo tour ng nangunang pelikula sa takilya sa MMFF, ang may pera sa basurang “Fantastica: The Princesses, the Prince and the Perya.”

Ang eksena, humahanash si Queen Bayot. Nasa likuran si Andalio. Si Alonte, nasa likuran naman ng dalaga. Ang dalaga, dahil nga hard habit to break ang pakikipaghawak-kamay sa kasintahan, buong akala niya, si Ronnie ang kahawak-kamay. Kitang-kita ang pagkabigla ni Loisa na biktima pala siya ng isang maling akala, dahil ang kahawak-kamay niya na, si Dingdong Dantes.

Siempre pa, LOL ang reaksyon ng mga kasama nilang piping saksi sa paghawak-kamay ng dalaga kay papable papa Jose Sixto.

Ang emote nga ni Andalio sa kanyang social media site, “Pinakanakakahiyang moment na nangyari sa akin, gusto ko magtago.” Sa orihinal na posting, all capitals ang pahayag na iyan ni Loisa.

Sa bidyo, kahit si Dantes, halatang nabig­la at si Andalio naman, lumayo sa magiting na actor at alam mong super embarrassed sa kanyang mistake.

Naku, Loisa, para-paraan ba iyan o talagang nagkamali ka lamang? Iba rin ang the moves mo, ning. Hahahaha!
Happy mistake lang talaga ang nangyari. Pero, come to think of it, ang hirap naman talagang pigilan na huwag hawakan ang kamay ni Papa Dong, hindi ba naman?

In the nearest future kaya, ano ang mangyayari kung magtambal sa isang older man, younger woman movie sina Dingdong Dantes at Loisa Andalio, kaya kaya nilang tapatan o higitan ang mga mapangahas na laplapan at cinematic sexual congress scenes sa “Glorious?”

Dahil sa pangyayaring ito, it looks like we have a new team up to watch out for, puwedeng-puwede ang isang Dingdong Dantes at Loisa Andalio, team up. Hindi ba naman?

Jasmine todo puri sa mga fan ng LizQuen

 

Naku, matapos ang reaction ni Jasmine Curtis Smith sa isa niyang follower, may chance na ang mga AlDub, hindi tatantanan ang mahusay na aktres. Happy fiesta ­extravaganza tiyak ang bashing at hating na ipupukol sa kanya.
Ang follower kasi ni the Curtis who can act, hangang-hanga sa katotohanan na noong una, siya ang ka-love triangle sa mukhang first and last movie na nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ang pahayag ni Curtis Smith tungkol dito, “LizQuen fans have been kind. (heart emoji). Tamuhhh! Trabaho lang always when it comes to my projects with or without love teams. A blessing is a blessing. Thank you!”
Sa nasabing post, gusto bang ipamukha ni Jasmine na may mga AlDub fanatic na hindi “kind?” Kung hindi sila “kind,” ano kayang pang-uri ang bagay na bagay sa kanila?

Hindi naman kaya galit na galit, poot na poot at suklam na suklam dati ang mga ito kay Jasmine kasi nga, tuwing magka-eksena sila ni Maine dati, eclipsed ang ganda ni Mendoza sa ganda niya, at alikabok pa ang pinakain niya sa Philippine sweetheart sa aktingan?

At siyempre pa, sa “Imagine You and Me,” hindi na kailangang i-imagine na mas may chemistry si Richard kay Curtis Smith at sila talaga ang magka-match sa pag-arte.

Napanood niyo naman siguro ang “Siargao,” alam niyo na no match si Erich Gonzales sa quiet intensity at truthfulness ni Jasmine.

Eh si Maja Salvador, “I’m Drunk, I Love You,” kinabog rin ni Curtis Smith.
Sa “Alone/Together,” huwag naman sanang Liza will suffer the same fate as Mendoza, Gonzales and Salvador, huh!