Loisa umiyak sa presscon

Crylaloo si Loisa Andalio nang tanungin namin siya kahapon sa presscon ng bagong digital series ng iWant na “Past, Present, Perfect?” na bida rin sina Shaina Magdayao at Vin Abrenica.

During the open forum ay tinanong namin si Loisa kung ‘yun ang first time niyang humarap sa press matapos ang pinagdaanan niyang kontrobersya recently (na alam na ng lahat at hindi na namin kailangang idetalye pa).

“Ano po ‘yon? Po?” ang patanong din na sagot sa amin ng 20-anyos na Kapamilya actress.

In fairness, ang da-ting sa amin ni Loisa ay mukhang matapang siya at parang ang galing niyang magdala ng problema.

“Opo, kailangan po nating maging matapang,” sambit ng dalaga, na nobya ng Hashtag member na si Ronnie Alonte.

Nakakabilib ‘yung tapang niya na ‘yon. Siya ba ‘yung tipo na kahit gaano kahirap at katindi ang pagdaanan sa buhay niya ay never siyang sumuko?

Gaano siya kalakas talaga, ‘yung totoo?

Sa puntong ‘yon ay nagsimula nang mapaiyak si Loisa at pinapahid niya ‘yung mga luha niya gamit ang kanyang kamay.

Nabanggit din namin sa kanya na nakausap namin ang kaibigan niyang si Barbie Imperial at sinabi rin nitong bilib ito kay Loisa, at ang tapang niyang kaibigan.

Pero ‘yung totoo, ano bang nararamdaman niya ngayon?

Napaiyak ulit si Loisa at nagdayalog ng, “Wait lang po,” sabay kuha ng binibigay na tissue ng co-star niyang si Shaina.

“Bawal ang ano, walang retouch,” sey ni Shaina habang si Loisa ay nagpapahid ng luha gamit ang tissue.

Feeling namin ay parang gusto namang sumagot ni Loisa at mukhang keri naman nito, pero iniba na ‘yung topic nu’ng host ng presscon at nagpatanong na ng iba.

So ayun, hindi na nakapagsalita si Loisa at nagpahid na lang ito ng mga luha niya.

Hindi man nasagot ni Loisa ang tanong namin ay makahulugan ang naging pag-iyak niya na ‘yon.

Nanghinayang lang kami dahil mukhang may gusto siyang sabihin at mas maganda sana kung nailabas niya ‘yon mula sa dibdib niya.

Mapapanood na for free via streaming ang romance drama series na “Past, Pre-sent, Perfect?” sa iWant app ng ABS-CBN.

Ngayong midnight ng Wednesday nag-drop ang last 3 episodes nito, so kumpleto nang mapapanood ang 7 episodes nito sa iWant.
***

Shaina itinanggi si Piolo

May impression na naging part ng past ni Shaina Magdayao si Piolo Pascual, at mukhang nandu’n pa rin ito sa kanyang present dahil magkasama sila last week lang sa Cannes international filmfest sa France.

Ano ba talaga ‘yung meron sila ni Papa P?

“Nasa present, nasa past. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Shaina.

May future din kaya sila?

“Magkasama kami nitong past lang, fortunately sa Cannes, sa movie po namin na ‘The Halt’ (‘Ang Hupa’), ang sine ni Direk Lav Diaz and isa kami sa tatlong Asian films na nakapasok.

“And of course, it’s an honor to represent our country. Especially, ang daming Hollywood stars doon and hindi rin naman namin naisip na makakarating kami together sa Cannes.”

Ani Shaina, first time niyang mag-Cannes. Si Piolo ay second na dahil nagpunta na ito noon doon para sa pelikulang “On The Job” ni Direk Erik Matti.

Before Cannes ay nag-Berlin filmfest na rin sila ni Piolo para sa isa pang sine ni Lav Diaz, ‘yung “Season of the Devil” (“Ang Panahon ng Halimaw”) na lumaban sa Berlinale last year.

“Hindi rin namin naisip na gagawin namin ‘yung film na ‘yon tapos, magkasama naming mae-experience ‘yung ganu’n kagandang festival, ganu’n ka-prestigious na festival.

“So, ‘yun po eh. Nilagay siya (Piolo) ni Lord sa past ko, tapos nandiyan pa rin naman siya sa present ko.”

So, si Piolo, naging past niya talaga?

“Hindi. Kasama ko po siya sa ‘Lobo’ (2008 fantaserye nina Piolo at Angel Locsin), 18 years old ako nu’n.”

Pero nagkaroon ba talaga sila ng something ni Piolo?

“Hindi,” definitive na sagot ng 29-anyos na Kapamilya actress.

Hindi talaga?

“Hindi. Nandiyan lang siya. Hayaan na natin.”

Hanggang ngayon, nandiyan pa rin ito, ‘di ba?

“Oo. ‘Pag dumating naman ‘yung future, gaya ng sabi ko, sasabihin ko naman at aaminin ko naman sa inyong lahat.”

Okey, so wala silang past, wala silang present at hindi niya alam ang future?

“Hindi ko alam ‘yung future, pero nagpapasa-lamat ako na kasama siya sa past ko at nandito pa rin siya sa present ko.

“Puwede na ba ‘yon? Ayaw n’yo ng showbiz, ‘di ba? Gusto n’yo ng totoo. ‘Yun

talaga ‘yung totoo, eh!” sambit pa ni Shaina.

Si Shaina ay si Shantal, isang writer na nangangarap makapagsulat ng poetry at novels, pero naging taga-translate ng text books at taga-subtitle ng porn sa iWant series na “Past, Present, Perfect?”