Isang 68-anyos na lola at 11 katao pa ang inaresto nang salakayin ang isang drug haven sa Brgy. Carreta, Mabolo, Cebu City.

Kinilala ang inares­tong lola na si Bening­ Coliflores, 68, habang ang mga kasama naman nito na pawang mga gumagamit ng iligal na droga ay sina Hernan Tañeza, Janel Caspi, Roland Mondejar, Henry Herciso, Manuel Lipon, Michael Vinzon, Cesar Coliflores, Rogelio Vargas, Isias Alfiz, Kevin Tañeza at Mary Ann Paculaba.

Napag alaman sa pulisya, pito sa 11 dinakip ay pawang naaktuhang nagsasagawa ng pot session sa loob ng bahay ni Coliflores sa Sitio Panaghius, Brgy. Carreta habang ang iba ay nagsisilbi umanong mga runners nito.

Narekober ng pulisya sa bahay ni Coliflores ang P12,000 drug money,­ mga sachet ng shabu at drug paraphernalias.