Isang matandang babae ang nasawi matapos na makipa-patintero sa mga sasakyang dumadaan sa north bound lane sa kahabaan ng EDSA sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw kahit malapit lang dito ang isang footbridge na puwede niyang tawiran.
Base sa ulat ng Caloocan City Police-Traffic Division, pasado alas-kuwatro ng madaling-araw nang masagasaan ang hindi pa nakikilalang biktima na nasa 65-70 ang edad, maputi, matangos ang ilong, maiksi ang buhok, nakasuot ng pulang pantalon at polka dots na polo-shirt.
Nasagasaan ang biktima ng isang unit ng EPE Transport na may plakang ATA 8351 at minamaneho ni Bemboy Perquino, 26-anyos.
Isinugod ang matanda ng Caloocan City Rescue sa Manila Central University Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Perquino.
baguhin na dapat ang batas na ganyan kasalanan naman ng mga tumatawid sa bawal dapat abswelto ang driver,katuwiran ng mga tumatawid sa bawal nagmamadali o malayo ang tawiran mga walang disiplina kasi.paano naman yung driver na nagtatrabaho lang mapeperwisyo dahil sa katigasan ng ulo ng iba.
Dapat walang pananagutan ang driver dahil bawal ang tumawid sa edsa. Mahirap maiwasan ng driver ang mga tumawid dahil nakaarangkada na siya at nasa isip na walang tumatawid
may kasalanan ba talaga ang driver sa aksidente o kasalanan ng matanda dahil doon tumatawid sa EDSA? yun ang hirap sa ganito, kung dumadaan sa dapat tawiran ay maiiwasan ang aksidente.