Sugatan ang isang matandang babae matapos na tamaaan ng ligaw na bala sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Lucila Quirit, 72, ng P.S. Lacson Street, Barangay San Agustin ng nasabing lungsod, alas-otso ng gabi nang maganap ang insidente sa hapag-kainan ng kanilang pamilya, habang naglalagay ng mga plato sa lamesa ang biktima nang tamaan ng bala sa hita.

Laking-gulat na lamang ng pamilya ng biktima nang matumba ito, doon nila nakita na puro dugo ang kaliwang hita ng biktima.

Agad namang ipinagbigay-alam ng pamilya ng biktima ang insidente sa kanilang barangay at sa pangu­nguna ni Kagawad Kevin Reyes ay nirespondehan ang lugar at naaresto ang suspek na si ­Eduardo Lacson, 47, walang hanapbuhay, ng 6th Lacson Luna Street ng nasabi ring lungsod na noon ay nakatayo sa harap ng kanilang bahay at lango sa alak na walang habas na nagpapu­tok ng baril kung saan-saan.