LOLIT, NAG-SORRY KAY HAYDEN

lolit-solis

MORE & more ang Insta­gram chika ni Manay Lolit Solis kaugnay sa highlights & sidelights ng Paris wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Sey ni Manay Lolit,­ “Kuwento nga pala ni Dingdong (Dantes) na ang tagal nang ginawa nilang practice sa pag­lakad sa altar ni Zia.

“At in fairness kay Zia, tuluy-tuloy ang lakad niya papunta sa altar, wah cry. Samantalang si Scarlet, tumakbo si Hayden para kunin siya dahil crayola ang bagets at ayaw lumakad. Hah hah hah.

“Si Nate, bongga parang binata na naglakad papunta ng altar. Sino kaya kina Zia at Scarlet ang liligawan ni Nate in the future? Hah hah hah.

“Tampalin ako ng mga tatay ng dalawang baby girls at sabunutan ako ni Regine. Hah hah hah.”

Ang nagpaluha kay Manay Lolit…

“One thing that made me cry sa wedding ni Vicki at Hayden ay nang makita ko si Quark Henares walking his mother Vicki down the aisle.

“Ang lakas ng ­impact, seeing her kids supporting their mother sa happiness niya. Makikita mo ang ligaya sa mga mata nina Cristalle at Quark.

Best wishes, Mr. & Mrs. Kho
Best wishes, Mr. & Mrs. Kho

“Nang umiyak si Hayden, feel na feel mo ang love niya kay Vicki at gusto ko siyang pasalamatan nang huminto pa siya to kiss me and say thank you for coming habang papalabas sila ng simbahan.

“Na-feel guilty ako sa mga panahon na may doubts ako sa pagma­mahal niya kay Vicki.

“Sorry Hayden. Now with all my heart and soul there will no ­longer doubts, now I accept your sincere love for Vicki.

“Hoping for your happiness forever.”

***

Tweet ni Ethel ­Booba, “Dahil sa awayang Mulawin at Ravena kaya nagkaroon ng Birds Flu sa Pilipinas. Charot!”

***

Nanguna pa rin sa takilya ng North ­America last weekend ang action-­comedy na The Hitman’s Bodyguard.

***

Si Joshua Garcia (Vince & Kath & James) ang tinanghal na New Movie Actor of the Year sa katatapos na PMPC Star Awards for Movies.

Si Hasmine Killip (Pamilya Ordinaryo) ang New Movie Actress of the Year.

At si Rhed Bustamante (Seklusyon) ang Child Performer of the Year.

***

Ipapalabas ang teleseryeng Tubig at La­ngis sa Jeepney TV Lunes hanggang Biyernes, 12:15-1:30 PM simula Setyembre 11.

Sundan ang matatag na si Irene (Cristine Reyes) na babalik sa piling ni Natoy (Zanjoe Marudo), na siya’y tanggap pati na rin ang kanyang anak mula sa ibang lalaki.

Dahil sa hindi pagsang-ayon ng pamilya ni Natoy, papalabasin ng ina nito na nangangaliwa si Irene.

Mahuhulog naman ang loob ni Natoy kay Clara (Isabelle Daza) na makilala niya habang nasa trabaho.

Ang Jeepney TV ay mapapanood sa SkyCable Channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.

***

Hindi lang exclusive channels tulad ng CineMo at Yey ang mapapapanood sa ABS-CBN Tv plus.

Natutunghayan din dito ang iba’t ibang pelikula sa KBO (Kapamilya Box Office).

Ito ang nadarama ng 3.3 million box users ng ‘mahiwagang black box’ na isa sa mga inilunsad na features ng ABS-CBN TVplus.

“Binibigyan namin ng pagkakataong mapatibay pa ang samahan ng bawat pamilya sa pamamagitan ng Kapamilya Box Office (KBO) kung saan tampok ang blockbus­ters, mga bagong palabas ng Star Cinema, MYX, at catch-up ng isang Kapamilya teleserye,” ani ABS-CBN head for di­gital terrestrial television Chinky Alcedo.

“Kapag nag-register din sa KBO, may pagkakataong tumawag, mag-text, at mag-surf ng internet gamit ang ABS-CBN mobile para laging konektado ang pamilya.”

Handog ng KBO 30 ang iba’t ibang pelikula, movies, call, text at data na pang internet gamit ang ABS-CBN mobile, habang bagong mga pelikula na kakapalabas lang sa sinehan na may kasama pa ring trinet services ng ABS-CBNmobile ang handog ng KBO 99.

***

May surprise guest sa fantaseryeng La Luna Sangre.

Ipapa-presscon siya bukas.