Patay ang isang lolo makaraang mabundol ito ng hamahagibis na kotse na minamaneho ng isang 18-anyos na estudyante kamakalawa ng gabi sa Legazpi City, Albay.

Kinalala ang biktimang si Jorge Navarra, 60-anyos, residente ng P-5, Brgy. Bonot ng nabatid na lungsod.

Kusang loob namang sumuko sa awtoridad ang suspek na si Joseph Adrian Maisip, 18, estudyante ng Bicol University at nakatira rin sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:10 ng gabi nang mabundol ang papatawid na biktima sa Brgy. Bonot, Legazpi City na ‘di na umabot nang buhay sa ospital.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa laban sa suspek na ngayon ay pinipigil sa Legazpi Police.