Isang matandang lalaki ang nasawi nang makulong sa loob ng nasusunog na kubo, kamakalawa ng gabi sa Butuan City.

Halos hindi na makilala dahil sa pagkatusta ng buong katawan ang biktimang si Bernardo Herrera, 80, ng Purok 8, Barangay Ambago, Butuan.

Batay sa ulat ni SFO4 Rodrigo Canton, ng Butuan City Bureau of Fire Protection (BFP) na ipinara­ting sa Camp Crame, bandang alas-11:15 ng gabi nang maganap ang sunog habang natutulog ang matanda.

Nagsindi umano ng katol ang biktima dahil ma­lamok, na posibleng naging dahilan ng sunog.

Nagising naman ang matanda at nagawa pang makalabas ng kubo pero bumalik ito para iligtas ang ibang gamit subalit nabagsakan ng kahoy na may apoy kaya nadamay sa sunog.