Sugatan ang isang 63-anyos na lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong sa Bagong Taon sa San Carlos City, Pangasinan.
Nasa labas umano ng kanyang bahay ang biktimang si Rodolfo de Guzman sa Brgy. Taruc dakong alas-12:03 ng umaga nang tamaan ng bala ang kanyang kanang braso.
Dinala si De Guzman sa pinakamalapit na ospital upang lapatan ng lunas habang sasailalim naman sa forensic laboratory ang narekober na bala para sa imbestigasyon.