Lolo’t lola isang linggong libreng sakay sa MRT-3

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week, magbibigay ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ng isang linggong libreng sakay para sa mga lolo at lola.

Base sa inilabas na pahayag ng MRT-3, maaa­ring maka-avail ng isang linggong libreng sakay mula alas-singko nang umaga hanggang alas-10:30 nang gabi na sinimulan kahapon (Martes) Oktubre 1 hanggang Oktubre 7 (Lunes) at ipakita lamang ang senior citizen ID.

“Malaking tulong ito para sa akin dahil madadalaw ko na ang apo ko at libre pa ang sakay ko sa MRT,” ayon kay Lola Sing Ramos, 62-anyos, taga-Caloocan City.

Nilinaw pa ng pamunuan ng MRT na kahit ilang beses ay maaaring maka-avail ng libreng sakay ang isang pasaherong senior citizen.

(Vick Aquino)