Muling naantala ang biyahe ng Metro Rail Transit 3 (MRT3) dahil sa nakitang piraso ng lona na nakasabit sa Overhead Catenary System o kable ng tren sa pagitan ng Boni at Shaw Boulevard station.
Batay sa advisory ng MRT3, pansamantalang hininto ang operasyon ng tren ala-1:57 Huwebes nang hapon para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Pinaalala rin ng pamunuan ng tren sa publiko na huwag magtapon ng basura sa paligid ng mga istasyon para hindi maantala ang biyahe.
Nagbalik sa normal ang operasyon ng tren alas-2:21 nang hapon.