Kinumpirma ng Bri­tish counter-terrorism kahapon na nasa 12-katao na ang inaresto sa Barking, East London kaugnay sa van at knife attack sa London Bridge na kumitil sa buhay ng pito katao.

Gayunman ay patuloy ang isinasagawang paghahaluglog sa mga tirahan sa Barking upang maaresto ang iba pang kasabwat sa atake.

Nauna rito ay pito ang patay at limampung iba pa ang sugatan dahil sa na­sabing pinakahuling terro­rist attack.

Ayon sa report, naunang naitawag sa mga awtoridad ang isang mabilis na van na nanagasa sa mga pedestrian na nagla­lakad sa sikat na London bridge at kasunod nito’y tatlong kalalakihan namang armado ng kutsilyo ang nanghabol ng saksak sa mataong bar sa Bo­rough market.

Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad at napatay ang tatlong suspek matapos mabaril na nakasuot ng ‘explosive vests’ subalit nadiskubreng pekeng bomba pala.

Ang insidente ay nangyari ilang araw bago ang nakatakdang halalan sa naturang bansa sa Hun­yo 8.