Kinana ng pambato ng Iloilo ang record sa long jump sa ginanap na Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) meet 2019.

Naungusan ng Pinay international model/beauty queen at athlete na si Alexie Mae Caimoso Brooks na tubong Buga Leon, Iloilo ang 5.88 meters na record sa long jump sa Palarong Pambansa kung saan nagtala ito ng 5.90 meters.

Ang Ilonggang si Brooks ay kinoronahan bilang Mutya ng Buga 2013, Miss Buga 2015, at sumali sa Miss Teen Iloilo 2016 kung saan record holder din ito sa Palarong Pambansa sa high jump na may 1.68 meters.

Naispatan din si Brooks at ginawang modelo ng Filipino makeup artist na si Malick James Hilado. Bukod dito ay kinuha ring cover girl sa United States-based magazine na Cozmo Biz si Brooks. kung saan

Labis naman ang katuwaan ng dalaga dahil sa aniya’y pinag-aagawan na ito para gawing iskolar ng iba’t ibang paaralan sa Maynila ganundin sa Amerika.