Tatakbong kongresista sa Unang Distrito ng Camarines Sur ang komedyanteng si Long Mejia sa ilalim ng partido ni Governor Miguel Luis “Migz” Villafuerte.

Hindi ito ang unang pagkakataong sumabak sa politika ang komed­yante dahil minsan na rin itong tumakbong board member ng ­Unang Distrito ng Bulacan noong 2016 subalit hindi siya nanalo.

Ang ipinagtataka ng lahat ay kung bakit siya tatakbo sa Camarines Sur samantalang taga-Bulacan siya?
Paliwanag niya na taga-Camarines Sur sa bayan ng Del Gallego ang asawa niyang si Beth kunsaan may lupa at maliit silang bukuhan doon.

Inamin ni Long na inalok siya ni Gov. Migz na sumabak muli sa politika nang malaman nito may lupa sila sa Camarines Sur at Bicolana ang misis niya.

Makakalaban ni Mejia si Marissa Lourdes Andaya, ang asawa ni incumbent 1st District Rep. Rolando Andaya Jr.
Bagama’t marami ang nagsasabi na dehado siya sa kalaban, tuloy aniya ang laban, nais niyang makapagsilbi sa mga kababayan ng kanyang asawa.