Sa nagdaang Rakrakan Festival 2019, isa sa mga sumalang ay ang hip hop group na “Stick Figgas” kasama sina Kat Agarrado, Ron Henley at “Hari ng Tugma” na si Loonie.

Maraming nakirakrakan sa nakakahawang performance ng grupo na tinugtog ang ilan sa mga sikat na awitin tulad ng Parisukat at Hiram.

Nakapanayam ng Abante TONITE si Loonie matapos ang kanilang set, sinabing sana’y dumami pa ang mga festival na katulad ng Rakrakan na todo ang suporta sa OPM scene, patunay na namama­yagpag pa rin ang Pinoy flavor pagdating sa musika.

Naitanong din kung kamusta ang naging collaboration niya sa Abante para sa theme song ng pahayagan na “Tunay Na Tabloidista.”

“Yung Brass Pas Pas sobrang galing na banda. Isa rin ‘yun sa bandang gusto kong makatrabaho so the fact na kaming dalawa ‘yung gumawa ng kantang ‘yon sa isang very respected, reputable newspaper simula nu’ng tito ko pa lang, bata pa ko nakikita ko na ‘yung Abante,” sey ni Loonie.

“Sobrang blessed and flattered ako na ako ‘yung napili nilang makatrabaho,” aniya pa.

Talagang kabog ang theme song ng Abante/TONITE na nagbigay pa ng short sample si Loonie para sa mga ka-Abante!