Nilinaw kahapon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez na hindi ito tutol sa mining sa kabila ng pagpapasara sa may 10 mining firms sa halip ha­ngarin umano nito na ilagay sa tama ang pagmimina upang hindi maapektuhan ang komunidad.

Sa naganap na budget briefing sa Kamara para sa P28.6 bilyon 2017 DENR budget, sinabi ni Lopez na nais niyang ipunto na hindi siya kalaban ng mining industry. Sa katunayan umano ay suportado niya ang mining dahil sa magandang idinudulot nito sa bansa subalit ang kanyang kinakalaban ay ang illegal mi­ning at ang hindi pagsunod ng mga lehitimong mi­ning firms sa ipinatutupad na patakaran, pangunahin ang pagbibigay proteksyon sa kalikasan.

“I am against the suffering of the people, I am not against the mining industry. If the mining site were doin­g well and no complaint from the community then we don’t have a problem about it,” pahayag Lopez.