Lopez isusuko US citizenship

Nakahanda si ABS-CBN chairman emeritus Eugenio `Gabby’ Lopez III na isuko ang kanyang US citizenhip at sinabi pang hindi malaking sakripisyo para sa kanya kung gagawin ito.

“I think all my actions are clearly on behalf of the Philippines. Everything that I’ve done is in the service of the Filipino so I don’t see a situation where I am in conflict with the US citizenship,” pahayag ni Lopez sa pagdinig ng Kamara tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN nitong Lunes.

“Dalawa po `yung akin [dual citizenship], ang sinasabi ko, mahal ko ang Pilipinas,” giit ni Lopez.

Nalaman din sa pagdinig na walang birth certificate si Lopez nang isilang sa Amerika dahil hindi nai-report ng mga magulang nito ang kanyang kapanganakan sa pinakamalapit na Philippine Consulate.

“I don’t know why my birth was not reported to the nearest consulate. I only know through my lawyers that it did not change the fact that I am a Filipino citizen,” aniya. (Eralyn Prado)