Lopez may live tsikahan

MAKAKASAMA naman ng 2018 Asian Games bronze medalist na si Pauline Lopez ang mga tinutulungan nitong mga kabataang babae para sa pagbibigay ng live taekwondo session ngayong Linggo ng umaga bilang parte ng nais nito na pagpapalawak sa sports pati na sa mga naaapi na mga kabataan.

“This Sunday I will be partnering with @_GirlsGotThis and giving a live Taekwondo session! No experience needed & for a good cause at 11am PH time,” sabi ni Lopez sa kanyang Twitter account na Pauline @pauweenie.

“We will use the power of sport to raise awareness for the most vulnerable girls in the Philippines. Let’s all #standwithgirls !”

Isa si Lopez sa mga pambansang atleta na patuloy na naghahanda para sa posibleng pagsabak nito sa pagbabalik ng mga qualifying event para sa mga nagnanais na makapasok sa nausog sa sunod na taong 2020 Tokyo Olympics. (Lito Oredo)