Lopez top choice sa District 2 ng Maynila

Busog sa atake at banat pero nananatili pa rin umanong top choice ng mayorya ng ikalawang distrito ng Tondo si Manila 2nd District congressional candidate Atty. Alex Lopez.

Si Lopez ang pambato kandidato ng tambalang Mayor Erap Estrada at Amado Bagatsing sa ilalim ng team legacy.

Base sa survey ng Probe Data Processing and Research Services (PDPRS) sa Distrito 2, lumitaw na mas pinipili pa rin si Atty. Lopez, bilang kanilang paboritong kandidato sa pagka-Kongresista sa May 13 na may voting preference na 47.3%.

Malayo ang kanyang agwat sa mga kalabang kandidato na sina Rolan Valeriano na mayroong 30.7% at Rod Lacsamana , 22.0%.

Sa voting disposition na may respondent questionnaire na, ”Sino ang kandidatong tiyak na iboboto ko at wala ng iba pa?” lumamang din si Atty.
Lopez na may 49.8% kumpara kina Valeriano, 32.4% at Lacsamana 22.4%.

Habang sa respondent questionnaire na “kandidatong tiyak na hindi ko iboboto” nanguna sa listahan si Lacsamana na may 13. 3%, sumunod si Valeriano, 12.3%, at Atty. Lopez, 8%.