Loren Burgos, palong-palo ang NINJA MOVES kay James

Loren Burgos

MALAPIT nang matapos ang Till I Met You at sayang naman kasi si Loren Burgos as Madison Villareal (the scheming seductress) made the primetime drama series a guiltier pleasure.

Sosyalin, Inglisera at curvaceous itong si ­Burgos.

As Madison, she brings the right amount of bitchiness and elegance sa kanyang karakter.

At ang ninja moves niya on how to seduce Basti (the character of James Reid), palong-palo.

One-piece red bikini, long hair on one side, show off your henna tattoo, wapak.

Umarteng natipalok at kunyari may pilay, para makaangkla kay Basti at maidunggol ang bosom sa hombre, panalo.

At mag-attempt na halikan ang pinagnanasaan, wagi!

Sofistikasyon all over ang hitad versus the simple yet endearing Iris of Nadine Lustre.

The main reason kaya hindi naging mabangong-mabango ang drama ­serye, kasi nga, hindi nila napangatawanan ang love triangle between JC Santos’ Ali, Iris at Basti.

Kung naging matapang silang gawing si Reid ang confused at ready for sexual experimentation, mas mainit tiyak ito.

Well, water under the bridge na ang lahat, buti na lang at dumating si Madison.

Welcome edition din si Enzo bilang Stephen.

Sayang at nagpakipot pa si Ali noong hahalikan siya nito.

Kapag andiyan na ang hombreng kahit binugbog na ay guapo pa rin at akmang hahalikan ka, ‘wag mabigla.

Ngasab kung ngasab na agad! Hahahaha!

Alam natin na sa bandang huli, malalagpasan nina Basti at Iris ang Madison episode.

Enjoyin muna ­natin ang kamalditahan ni ­Loren Burgos na tiyak na tiyak, ang mga JaDine fanatics, poot na poot sa kanya.

Madison, I mean ­Loren Burgos, magaling ka, ‘neng.

Mukhang we have found the Millennial ­Cherie Gil.

***

Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon
Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon

Ang isa pang babaeng kagurlis-gurlis ay si Ryza Cenon bilang babaeng higad at makati pa sa gabing si Georgia sa Ika-6 Na Utos ng GMA 7.

Si Cenon ang palaban at walang konsensyang kabit. Obviously, ang kanyang karakter, hindi binasa ang librong Etiquette for Mistresses.

After being a mana­nanggal who masturbates sa Manananggal Sa Unit 23B na greatest performance of her life, eto at nagmamaganda siya sa kabitserye ng ka-Siyete.

In fairness to Ryza, kahit pa she does not sound sosyalin, kabog na kabog niya ang always competent na si Sunshine Dizon.

Sa confrontation scene nila sa party, palaban pero with the right amount of sojo (sosyal na jologs) ang sagpang ni Cenon sa eksena.

Pambwisit lang ­talaga.

Dizon employed her full meldramatic mode of acting.

Fast forward to ­another scene sa parke, palengkerang-palengkera ang ingay ni Sunshine samantalang si Ryza, itsung mas malaki si kanya si Dizon, laban kung laban, hindi magpapatalbog.

Hindi ko masisi ang karakter ni Ryza. Eh si Gabby Concepcion ba ­naman ang lalaking pinag-aagawan.

Concepcion is forever the heartthrob at he has become like wine that aged kaya mas masarap at mas masarap lagukin. Lagok talaga? Hahahaha!

Nakaka-surprise na meron na palang depth at range si Cenon, tapos, ang tagal-tagal bago naibigay sa kanya ang chance na ito.

Kailangan niya pang maging masturbating manananggal, maging boyfriend for real si Cholo Baretto, bago dumating ang kanyang gorgeous Georgia role.

Well, mukhang ito na ang moment ni Ryza Cenon at bonggang-bongga ang kanyang pag-claim!

You go, girl!