Loren playing safe sa ‘pork’?

Mistulang nag-‘playing safe’ si Senate committee­ on finance chairperson Sen. Loren Legarda kung naglalaman o hindi ng pork barrel ang 2018 national budget na nagkakahalaga ng P3.7 trillion.

“Hard for me to say (na walang pork barrel). Alam mo ‘pag magsalita­ akong meron I will be quoted mali intindi. ‘Pag sinabi kong wala, para naman akong inosente sa buhay,” ani Legarda.

Ginawa ni Legarda ang nasabing pahayag dahil hindi makapaniwala si Sen. Panfilo Lacson na walang pork barrel ang unang national budget na ginawa ng Duterte administration.

“So it depends on how you would you define pork. If it’s pork equals PDAF, which is post enactment sa tingin ko ay wala because how can you enact something that is already in a line-item?,” ani Legarda.

Sinabi ng senadora na ibe-breakdown umano nito ang lump sum (provision) para hindi maakusahan na nagkaroon ng ‘post enactment identification’ na tinatawag ng iba na pork barrel.

“I assure you that all lump sums will be broken down and any questions that miss my eye, at may makakatulong na senador, I would welcome it,” ayon pa kay Legarda.

Kokonsultahin din umano nito si Lacson kung ang pinaghihinalaan nitong pork barrel ay nasa lump sum.