Lorenzana: Lockdown maagang matatapos `pag bumaba COVID case

Maaaring mapaaga sa tinakdang petsa na Mayo 15 ang pagtatapos ng umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ito’y kung magpapatulo sa mga susunod na araw ang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region.

Ipinahayag ito ng kalihim Linggo nang magtungo sa Villamor Air Base sa Psay City kasama si Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force COVID-19, para tanggapin ang mga donasyong personal protective equipment at mga medical supply mula sa pamilya Gatchalian nanagkakahalaga ng P30 milyon, para sa mga frontliner. (SDC)