Inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na kursunada nitong isugo bilang Philippine ambassador to the United States of America si incumbent Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Kung sakaling tanggapin ng kasalukuyang Defense Secretay ang posisyon ay napipisil namang ipagkatiwala kay dating Defense Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr., ang puwestong babakantehin ni Lorenzana.
Sa isang ambush interview sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Presidente Duterte na inalok nito ang puwesto kay Lorenzana noong Lunes ng gabi pero hindi pa tinatanggap ng huli ang alok.
Sakali mang tanggapin ni Lorenzana ang alok na posisyon ay ikinukunsidera naman ng Pangulo si Teodoro.
“Gibo, he was my lawyer long before, when he was a young lawyer. I offered to help him in the last election. Tatakbo ka ba, kasi kung tatakbo ka, susuporta ako sa iyo.
Now, I would like to call him again. Gibo is very talented very bright and he handles himself very well both privately and officially,” paliwanag ni Pangulong Duterte.
SANA tanggapin..
para madagdagdagan nnamn ang GOVT ng magaling at TAPAT na uupo.. ♥♥ ☺ ♥♥
Sana tanggapin ni Gibo ang alok ni Digong. He was my choice in the 2010 presidential election where he unfortunately lost. Now is the time to prove his worth. He could be our next president.