Lorna dinumog sa CDO

Nasaksihan namin kung paano pagkaguluhan ang Beautederm Ambassador na si Lorna Tolentino sa Cagayan de Oro.

Opening kasi ng Beautefresh by Beautederm sa SM CDO Downtown Premier.

Sa airport pa lang ay marami nang nagpapakuha sa kanya ng picture. Madam President, First Lady Lily ang tawag sa kanya dahil sa kanyang role sa “FPJ’s Ang Probisyano”. Iba talaga ang impact ng naturang show sa aktres.

Namasyal din kami sa Amaya View at grabe rin ang pagdumog kay LT. Kailangan din siyang alalayan pabalik sa van dahil hindi na ma-control ang mga tao nang malamang nandoon siya.

Sa mismong event, malakas din ang tilian kay LT bukod kina Arjo Atayde, Ria Atayde, Jane Oineza, Ryle Santiago, Alex Castro, at Luke Mejares.

Mababasa sa post ni Ms. Rhea Anicoche Tan, CEO at President ng Beautederm sa Facebook, “Maraming Salamat SM Cagayan De Oro!!! Napakainit ng inyong pagtanggap!”

Nag-thank you rin siya sa  owner ng BeauteFresh by Beautederm na si Mae Kimberly Siao-Tan pati na ang pamilya nito, “Mae Kimberly  (Siao-Tan Family) maraming Salamat po! Ang babait po nyo at napakahumble! Twas nice meeting you all.

“My Beautederm baby for 9 years now! Tagal na natin syobe, tayo tayo pa lang nun! Hehehe! Akalain mo! so proud of you my baby. Loveu Mae Kimberly! Congratulations!”

Anyway, tuloy-tuloy pa rin ang pagdami ng Beautederm stores sa panibagong goal na Road to 200.

Sa  January 25, 4PM bubuksan naman ang BeauteStation by Beautederm, sa Robinsons Place Ilocos Norte. Tampok sina Ken Chan, Rita Daniela, Sanya Lopez, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado at Jestoni Alarcon.

Bianca tinangging buntis kay Gatchalian

Sinagot ni Bianca Manalo ang mga espekulasyon na nagdadalantao siya at si Senador Win Gatchalian ang ama.

Nagsimula ang rumor na buntis ang beauty queen matapos mapansin ng ilang netizen na lumaki ang kanyang tiyan sa ipinost nitong litrato sa Instagram nang bumisita siya Basilica of the Sacred Heart of Paris kung saan nakasuot siya ng makapal na jacket.

“Pregnant ka po ba?” tanong ni karensilvergray.

“@karensilvergray no i’m not,” maikling sagot ni Bianca.

Nagdiwang ng kanilang first anniversary sina Bianca at Sen. Gatchalian noong November 20, 2019.