Lorna, fresh pa rin ang beauty

WALA si Bimby sa binyag ng half-brother n­iyang si Michael James Yap o Baby MJ (anak nina James Yap at Michela Cazzola) noong Sabado sa Santuario de San Antonio sa Makati City.

Ginanap ang reception sa bahay ni James sa Ayala, Alabang kung saan ay maraming mga basketbolistang um-attend.

Si Marc Pingris ay nasa reception-party ni Baby MJ at kasama nito ang misis na si Danica Sotto.

Ayon sa isang bisita, maganda ang bahay na ‘yon ni James na parang “weekend house” nila.

Sa isang condominium sa Makati City sila nag-i-stay na mas malapit sa trabaho ni Michela.

***

Si Albie Casiño ang leading man ni Lovi Poe sa “Bugso” episode ng Karelasyon ng GMA 7 noong Sabado.

Iisa ang manager nina Albie at Lovi, si Leo Dominguez.

Inusisa namin si Leo kung nasa Siyete na rin ba ang binata na mas identified sa ABS-CBN.

“Albie is a freelance actor!” sagot ni Leo.

***

Nakasalubong namin si Lorna Tolentino kahapon sa Promenade Shopping Complex sa Greenhills, San Juan.

Kahit may apo na si Lorna (may anak na ang panganay niyang si Ralph Fernandez), fresh na fresh pa rin ang kanyang beauty.

Maalaga ang premyadong aktres sa kanyang hitsura.

Daig ni LT ang ibang mga mas batang aktres na hindi maalaga sa kanilang itsura.