Lorna huling lalaki si Daboy

12 years na sa Hunyo ang kamatayan ng action superstar na si Rudy “Daboy” Fernandez. Mahigit isang dekada na rin magsimula ng iwan niya ang asawa na si Lorna Tolentino.

Marami ang curious kung bakit hindi na nag-asawa muli ang veteran actress. “Matanda na kasi ako eh,” pakli niya nang makausap siya sa pagre-renew niya ng kontrata bilang brand ambassador ng Beautederm.

Pinanghahawakan pa rin niya hanggang sa ngayon ang pangako kay Daboy na siya pa rin hanggang sa huli.

“Kasi ako ano … siguro ganun talaga, ‘yung love story namin ni Daboy, kumbaga nag-umpisa niya akong magustuhan… bata pa ako, pinangako niyang papakasalan niya ako, 10 years ‘yung difference namin, so kung ano man, sabi ko tinupad ko ‘yung pangako ko,” lahad niya.

“So nu’ng 14 pa lang ako crush ko na si Daboy, so siguro hindi pwede yung basta nakilala mo lang .. dapat yung matagal mo nang (kilala),” dagdag pa ni LT.

Maging ang mga anak niya na sina Ralph at Renz ay hindi rin sumang-ayon sa pag-aasawa niyang muli.

Kuwento ni Lorna, “Kasi sinabi rin ng mga anak ko na parang wag na raw eh, yung time na medyo bata-bata pa, wala pa akong 50s, 46 lang ako nu’n.”

Hindi na umano ito ang tamang panahon para isipin pa niya ang pag-aasawang muli.

“Ngayon na 58 na ako, malapit na ako mag-senior, hindi na ‘yon ang priority ko talaga. Lalong na-lessen habang tumatanda ako,” sambit pa ni Lorna.

Tungkol naman sa renewal niya sa kompanya ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan
“Sobrang ligaya ko sa Beautéderm. Nag-uumapaw sa pagsasalamat ang puso ko dahil ni-renew ako ni Rei bilang isa sa mga ambassadors ng brand. I’m so thankful for the genuine friendship that I share with Rei, her family, with the entire staff of the company, and of course with my fellow ambassadors. Hindi ko maipaliwanag ang saya at excitement na nararamdaman ko sa Beautéderm,” deklara niya.

Talbog!

Ivana tinik kay Nathalie

Kung ang ibang misis sa tahanan ay naiinis dahil sa irresistible alindog ni Ivanna, nag-alala naman kaya ang ibang sexy actress gaya ni Natalie Hart?

Bago pa man kasi sumikat si Ivana ay siya ang tinaguriang sex symbol dahil sa mapang-akit niyang ganda at kaseksihan. ‘Yun nga lang naudlot ito matapos siyang magbuntis. Malaking ‘tinik’ kaya si Ivana sa kanya lalo na ngayong back in shape na rin siya?

“It’s not a threat, kasi at the end of the day, she has her own market, may market din ako.Kumbaga siguro, nako-compare lang kami, sina Ellen and everything.Kasi, lahat kami, nagpapa-sexy. Pero in terms of kung threat, bahala na! I think, every time naman, may bagong pumapasok,” sambit niya nang makatsikahan namin sa kanyang mini-presscon.

Willing pa rin naman siya sa pagpapaseksi sa mga pelikula basta kailangan talaga sa pelikula. Pero, na hubadera ang gusto niyang maging imahe kundi isang aktres na magaling sa larangan ng aktingan.

Sa ngayong may anak na siya. hindi na niya hangad na maging sex symbol o pantasya ng kalalakihan.

Paliwanag niya, “Sa akin, it’s not about being on the top. It’s about having a job. As long as I exist and I still have a job, that’s important to me.”

Anyway, tatlo ang pelikula niya ngayon sa Viva Films. Nagso-shooting siya ngayon sa Japan para sa ‘Steal’ sa ilalim ng direksyon ni Bona Fajardo.

Kasali rin siya sa ‘ Kungyari Mahal Kita’ with Ryza Cenon at Joseph Marco. Pati na rin sa ‘Pakboys; with Andrew E and Janno Gibbs with Al Tantay. Napapanood na rin sa iWant ang movie nila ni Diether Ocampo entitled “Sunday Night Fever” .