Lorna, mahal ng mga katrabaho

Lorna Tolentino

ISA sa si Lorna Tolentino sa mga artista sa showbiz na walang tatak na reklamador, kaya well-loved siya ng kanyang mga katrabaho.

She’s also the type who doesn’t burn bridges. Paiba-iba man ng TV network si LT (paboritong tawag sa aktres), nananatili ‘yung closeness niya sa mga taong nakakatrabaho niya sa bawat TV network na puntahan niya.

Umalis man siya para magtrabaho sa iba, welcome na welcome siyang bumalik.

After sa GMA 7, nag-TV5 si LT at ngayon, balik-ABS-CBN siya.

Kasama si LT sa bagong teleserye ng Dreamscape ni Mr. Deo Endrinal, ang Victims of Love nina Angelica Panganiban, Paulo Avelino at Julia Montes.

While waiting for the start ng taping ng Victims of Love, sumalang muna si LT sa taping ng Maalaala Mo Kaya.

While not working, a­b­ala si LT sa kanyang farm somewhere in Cavite.