Lorna mas sariwa kesa sa mga bagets na artista

BIRTHDAY ngayon ni Lorna Tolentino at sa pagkakaalam ko, 56 years old na siya, pero in fairness, ang fresh pa ring tingnan ng premyadong aktres.

Actually lately nga, marami ang nakapansin na parang mas bumata si LT.

View this post on Instagram

Thank you @tingduque 😘

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez) on

Madalas, nagpo-post si LT ng mga picture habang nagdyi-gym siya, kaya naman marami ang hanga sa kanya dahil hindi siya nagpapabaya sa kanyang kalusugan at hitsura.

Marami kasing mga artista na mas bata kumpara kay LT, pero mas younger looking siya sa mga ‘yon, huh!

Kahapon ay ka-text namin si LT at tinanong namin kung ano ang birthday wish niya?

“Hi Jun, birthday wish ko is good health for me and the family at more work for me and my kids. Thank you for remembering my Birthday! Hugs!!!”

Tuloy-tuloy nga pala ang taping ngayon ni LT for her new series sa ABS-CBN, ang Asintado (na dating Victim of Loves), na pagbibidahan din nina Paulo Avelino at Julia Montes.

“Doing Asintado na magpa-pilot na raw ngayong January. Mahirap ang schedule ng soap lalo na kapag ipinalabas na.

Alam mo naman ‘yan. Minsan umaabot na everyday kailangan mag-taping, pero happy ako with my new project, kaya excited ako every taping namin,” sey ni LT.